‘No minors allowed’ notice sa mga E-Sabong kiosk at betting station sinimulan nang ipaskil ng Albay PNP

LEGAZPI CITY- Pinangunahan ng mga miyembro ng Albay Police Provincial Office, mga religious sectors at iba pang stakeholders ang pagsisimula ng simultaneous posting of notice na nagbabawal sa pagpapapasok ng mga menor de edad o kabataang edad 21 pababa sa mga e-sabong kiosks at betting station sa lalawigan ng Albay.

Binubuo ng 64 betting stations ang nabanggit na lalawigan at 30 nga dito ay mula sa lungsod ng Legazpi na kung saan isa sa mga naunang napaskilan ng nasabing notice dito ay ang Embarcadero 38 Restobar and Betting Station.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ayon kay Acting Provincial Director, PCOL Bryan Tabernilla, ang aktibidad na ito ay inisyatibo ng pulisya upang magbigay ng awareness sa publiko tungkol sa masamang dulot ng labis na pagsusugal at upang mapigilan na sumubok ang mga kabataan na maaari rin umanong humantok sa pagkalulong.

Dagdag pa rito, binigyang diin din no PCOL Tabernilla na may karampatang sanction o parusa sa mga menor de edad at mga betting stations na mahuhuling lalabag sa nabanggit na polisiya.

Gayundin ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno na maaaring humarap sa parusang inihain ng PAGCOR na siyang nangangasiwa at nagpapatupad ng mga nasabing restrictions.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Samantala, mahigpit ding ipinagbabawal sa mga miyembro ng pulisya ang masangkot sa anumang uri ng sugal tulad ng sabong, ito ay alinsunod sa balitang may mga miyembro ng PNP na nalulong dito at nakagawa ng mga bagay na labag mismo sa kanilang batas.

Paalala rin ni Pastor Rico Gilet, miyembro ng Provincial Advisory Group for Police Transformation and Development (PAGPTD) na hindi lahat ng legal na gawain ay pwede sa lahat, tandaan umano na ito ay mayroon ding sinusunod na panuntunan.