P100 wage hike sa mga minimum wage earners, kulang umano ayon sa isang self-employed individual sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Maituturing nang malaking tulong kahit papano ng isang self-employed individual sa Brgy. Puro, Legazpi City ang PHP100 na umento sa araw-araw na sahod ng mga minimum wage earners sa mga pribadong sektor sa Pilipinas.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay “Rodolfo”, sinabi nito na para sakanya, bagama’t malaking tulong, hindi maiaalis ang katotohanang kulang pa rin ito para sa mga manggagawa.

Para sakanya, ang isang manggagawa ay dapat sumasahod ng PHP1,200 bawat araw at sasapat na ito sa pamilyang may tatlo hanggang limang anak.

Kung PHP100 lamang kasi umano ang idadagdag sa arawang kita ng mga minimum wage earners, kulang na kulang pa rin para sa inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin pati na rin ang mga serbisyo.

Kaya lang, ayon sakanya, ang PHP1,200 na arawang kita ng mga manggagawa, maikokosniderang suntok sa buwan.

Samantala, kung matatandaan, lusot na sa third and final reading sa Senado ang PHP100 wage hike para sa minimum wage earners noong nakaraang Lunes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *