P100 wage hike para sa mga manggagawa, malayo layo pa umano sa pangarap na ‘living wage’ ayon sa isang senadora

Naniniwala si Senadora Risa Hontiveros na malaking tulong na para sa mga manggagawa ang dagdag na P100 sa kanilang minimum wage upang matugunan ang kanilang pang-araw araw na pangangailangan.

Read More:  Death toll from Typhoon Inday, Habagat climbs to 18

Ngunit sa kabila nito ay malayo pa rin umano ito sa kinakailangan na ‘living wage’ upang makapamuhay ng disente.

Dagdag pa niya, tila isa lang itong ‘relief’ at pansamantalang kasagutan sa mga pangangailangan ng mga Pilipino.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Kung kaya’t marapat lang umano na mabigyang pansin ng gobyerno ang pagsasaayos sa wage-setting mechanism at pagpapalakas sa bargaining power ng mga manggagawa.
#