Alwin Nimo, nilinaw na walang naganap na bayaran sa media kaugnay sa pagsampa niya ng kaso laban kay Gov. Lagman

LEGAZPI CITY – Nilinaw ni Alwin Nimo na walang katotohanan ang mga paratang sa kanya ni Albay Gov. Atty. “Grex” Lagman kaugnay ng pagsampa niya ng kaso sa Ombudsman laban sakanya.

Sa pahayag ni Nimo sa isang press conference kahapon, sinabi niya na walang naganap na bayaran sa mga media upang ilabas ang kaso sa Ombudsman laban sa Gobernador.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Maagang umano siyang pumila sa Ombudsman upang mag-file ng kaso at pagkatapos nito’y nataon ding naroon ilang mamamahayag kasama ang isang media mula sa Albay.

Aniya, inaabangan ng grupo ng mga media ang pag-file ng kasong graft ng alkalde ng Iriga City laban sa dating alkalde.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Subalit, binanggit nito sa mamamahayag ang patungkol sa pagsampa niya ng kaso laban sa kasalukuyang gobernador at sabay ipinakita ang dokumento.

Hindi na rin nito maiwasan na maisabi at nagpaunlak na itong magpa-interview sa mga mamahayag tungkol sa isinampang kasong Direct and Indirect Bribery at Code of Conduct and Ethical Standards for Government Officials.