P1.4B halaga ng pondo, kakailanganin ng gobyerno para maipagpatuloy ang libreng sakay

Tinatayang aabot pa ng P1.4Billion ang kinakailangang pondo ng Gobyerno para ipagpatuloy ang libreng sakay.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na kung itutuloy ang mga libreng sakay hanggang Disyembre, kailangan munang bunoin ang ganito kataas na budget.

Read More:  CHR probes Toboso encounters amid conflicting claims on 19 killed

Ayon kay Bautista, mayroon lamang nakatakdang budget para rito kaya’t kung palalawigin pa ito, kailangan muna ng koordinasyon mula sa Budget Department.

Read More:  Ombudsman denies Romualdez’s request to travel to Singapore

Matatandaang in-extend ni Pangulong Marcos ang free ride programs sa Metro Manila kabilang na ang mga ruta ng bus sa EDSA, pati na rin ang line 2 ng LRT para sa mga estudyante sa University Belt.
#