Pinag-aaralan na ngayon ng Transportation Department ang mga hakbang para madagdagan pa ang mga bumabyaheng pampublikong sasakyan bilang paghahanda sa face-to-face classes.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na itutuloy na nila ang ‘fleet rationalization’ na layong paramihin ang mga masasakyan ng mga mananakay.
Sinabi pa ni Bautista na ‘willing’ daw siyang sumakay sa mga bus.
Ramdam daw kasi nila ang hirap ng mga pasaherong araw araw dumaraan sa kalbaryo ng mahahabang mga pila.
Samantala, para sa ilang transport groups at transport advocates, hindi pa raw handa ang kasalukuyang sitwasyon ng public transpo para sa full-resumption ng face-to-face classes.
Ayon kay Primo Morillo ng ‘The Passenger Forum’, kinakailangan na munang matugunan ang problema sa public transpo.
Sa oras daw kasi na bumalik na ang mga estudyante sa kalsada, tiyak na tataas ang demand sa mga pampublikong sasakyan.
Naniniwala rin itong kulang na kulang pa ang mga nalalabing buwan bago magsimula ang face-to-face classes para ito ay paghandaan.
#