KORONADAL CITY- AABOT sa P 18 million na halaga ng mga nakumpiskang ilegal na droga ang sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 12.
Inihayag ni PDEA 12 information officer Kat Abad nga ito ay isa sa mga aktibidad ng Drug Abuse Prevention and Control Week celebration o DAPC. Kabilang sa mga ito ay ang P 13.9 million na halaga ng shabu at P 4 million na halaga ng marijuana na nakumpiska at ebidensya mula sa mga anti-illegal drugs operations ng PDEA 12 at Philippine National Police o PNP Forensic Units sa Soccsksargen.
Ang mga ito ayon kay Abad ay inisyuhan na ng court order na sunugin. Maliban dito, sinunog rin ang nasa P 122,000 na halaga ng expired na mga regulated medicines mula sa mga botika at ospital. Ang destruction of dangerous drugs and paraphernalia ay isinagawa sa isang thermal facility sa General Santos City. Sa pamamagitan nito, masisiguro na hindi na maibabalik pa sa sirkulasyon ang mga nakumpiskang ipinagbabawal na gamot.
