Buong hustisya, hindi pa rin nakakamit ng mga Maguindanao massacre victims

KORONADAL CITY – HINDI pa rin nakakamit ng mga naulila ng mga biktima ng Maguindanao Massacre ang buong hustisya sa karumal-dumal na sinapit ng kanilang mga mahal sa buhay.

Ito ang inihayag ni Jhan Chiene Maravilla, anak ni Bart Maravilla, isa sa mga kasapi ng media sa Koronadal City na biktima ng Maguindanao Massacre noong Nobyembre 23, 2009 sa Ampatuan, Maguindanao.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Ayon kay Jhan Chiene, ‘partial justice’ pa lamang ang kanilang nakamit dahil hanggang ngayon, ay mayroon pa ring mga suspek sa krimen na hindi pa nahuhuli.

Nananawagan din ito sa gobyerno na sana’y tulungan sila na makuha ang danyos na iniutos ng korte para sa kanila. Ngayong araw, ginugunita ang ika-14 na anibersaryo ng Maguindanao massacre na ikinasawi ng 58 katao, 32 sa mga ito ay kasapi ng media.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Ang pagbisita sa massacre site at mass and candle light activity ay pinangunahan ni Usec. Paul Gutierrez Executive Director ng Presidential Task Group on Media Security.