Dati pa man ay naglilipana na ang mga kuwentong kababalaghan na nangyayari sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Kamakailan lamang ay mayroon na naman umanong kababalaghan ang nagyari sa Mexico dahil sa pagluha umano ng isang estatwa ni Virgin Mary sa El Chanal, Colima, Mexico ang napabalitang lumuluha.
Ito’y gawa umano sa salamin at tinatawag na Virgin of Dolores.
Ayon sa panayam sa isang saksi na si Victor Ramos, nakita niya umano mismo na lumuluha ang naturang imahen at kapareho umano ito ng pagluha ng isang tao na namumula ang mga mata.
Ganito rin mismo ang pahayag ng isang netizen sa X (ang dating Twitter) na si Reuben Abati na siya namang nag-post ng mga larawan ng estatwa.
Kaya naman, nang mag-viral ang patungkol dito marami nang tao ang dumagsa at nagtungo sa simbahan na kinalalagyan ng estatwa upang masaksihan mismo ang nasabing himala.###WENCY LISAY