Tataas sa ika-siyam na sunod na linggo ang presyo ng mga produktong petrolyo sa Martes.
Dagdag pasanin ito sa mga motorista, lalo na’t umabot na hanggang P80 kada litro ang langis sa ilang lugar sa bansa.
Sa advisory ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation, ay sinabi na magtataas ito ng kada litro ng gasolina ng 90-centavos, diesel ng 80-centavos, at kerosene ng 75-centavos.
Ipatutupad rin ng Cleanfuel ang mga nasabing pagbabago maliban sa kerosene na hindi nito binebenta.
Magiging epektibo ang mga pagbabago bukas, alas-6 ng umaga maliban sa Cleanfuel na maga-adjust ng presyo ng alas-4:01 ng hapon sa parehong araw.
Sa ngayon ay hinihintay pa ang mga kaparehong announcements mula sa iba pang kompanya ngayong linggo.
