P30 bilyon proposed Annual Investment Program ng Batangas para sa taong 2025, aprubado na!

BATANGAS CITY – Aprubado na ang P30B proposed Annual Investment Program (AIP) para sa taong 2025 ng pamahalaang lungsod ng Batangas at ang P159M Supplemental AIP No. 2 para sa CY 2024.

Kabilang sa mga proyektong paglalaanan ng Supplemental AIP No. 2 ay ang pagbili ng mga equipment at supplies para sa mga shelter facilities, infrastructure development program.

Nakapaloob naman sa sektor ng AIP 2025 ang general public services, social services, at economic services, kung saan unang proyekto ang pagtatayo ng rainwater harvesting facility bilang tugon sa kinakaharap na pagsubok ng lungsod dulot ng climate change.

Magkakaroon din nang pagsasaayos at pagdadagdag ng mga public school buildings para matugunan ang tumataas na bilang ng mga mag-aaral at bilang paghahanda sa Regional Athletic Association Meet na nakatakdang ganapin sa Batangas City sa taong 2026. Samantala, ang inaprubahang AIP 2025 ay nakatakdang i-endorso sa Sangguniang Panglungsod.