Outreach program para sa mga kabataan isinagawa sa bayan ng Vinzons

CAMARINES NORTE- Matagumpay na naisagawa ang isang Outreach Program ng mga tauhan ng Vinzons Municipal Police Station sa pamumuno ni PMAJ EVA O GUIRUELA, Chief of Police, katuwang ang Advocacy Support Group sa bayan ng Vinzons

Ang aktibidad ay bilang pakikiisa sa ika-29 na Anibersaryo para sa Buwan ng Kabataan na may temang “New Normal na Walang Iwanan: Karapatan ng Bawat Bata, ating Tutukan!”

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Layon nito na maipadama ang aktibong ugnayan ng pulisya at komunidad gayundin ang makapagbigay ngiti at saya sa mga bata at mailapit sa komunidad ang mga pangunahing serbisyo ng kapulisan at gobyerno ngayong panahon ng pandemya.

Idinaos ang aktibidad sa Gawad Kalinga, Barangay Calangcawan Norte, ng naturang bayan kung saan Naipamahagi ang 100 piraso ng school supplies sa mga bata at napakain rin ng “lugaw” ang mga residente ng nasabing Barangay.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Nagsagawa rin ng seguridad at dialogo ang mga kapulisan tungkol sa mahigpit na pagpapatupad ng IATF Guidelines na umiiral sa nasabing bayan upang masugpo ang COVID-19.

Pinaalalahanan rin ang bawat isa na sumunod sa patakaran at ipinaliwanag ang kaparusahang kaakibat nito sa mga lalabag sa nasabing alituntunin.