Organisasyon ng OFW sa Capalonga bubuuin ng OWWA

CAMARINES NORTE- Bubuo ng organisasyon ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa mga Overseas Filipino Worker (OFWs) na taga Capalonga, Camarines Norte.

Ito ang ininunsiyo nitong Miyerkules, September 14 sa official facebook page ng Lokal na Pamahalaan.

Kaugnay nito ay hinimok ni Public Employment Service Office (PESO) Manager Maria Victoria Baliwag ang kasalukuyang OFWs na nasa ibang bansa gayundin ang mga dating OFWs na pinauwi noong 2020 dahil sa pandemya at walang trabaho sa ngayon na makipag ugnayan sa tanggapan ni Mayor Luz Ricasio.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Hinihimok ang mga itong magpalista para makasama sa bubuuing organisasyon upang makatanggap ng kaukulang benepisyo na hatid ng OWWA katuwang ang PESO.

Layunin ng OWWA na tulungan ang mga OFW na mabigyan ng benepisyo kaya nais nitong bumuo ng organisasyon para sa kanila sa naturang bayan.

Read More:  Two NPA rebels surrender, arms cache recovered in Bicol

Hinihimok ang mga OFW na makipag ugnayan kay Ms. Mary Jane Sanchez sa Mayor’s Office para sa maikling panayam.

Ang kasalukuyang OFWs naman na nasa ibang bansa ay maaaring magpadala ng kinatawan na mula sa immediate family.