Kaso ng Dengue sa Camarines Norte pumalo na sa 188

CAMARINES NORTE- Pumalo na sa 188 ang mga naitalang kaso ng dengue sa lalawigan ng Camarines Norte matapos na madagdagan ng isang kaso mula sa bayan ng Daet.

Batay ito sa latest update ng Department of Health kung saan pangalawa pa rin ang lalawigan sa may pinakamataas na kaso sa rehiyon kasunod ng Camarines Sur na mayroong mahigit 800.

Nangunguna ang Daet sa may pinakamaraming kaso na mayroong 59 na sinusundan ng Basud na may 26, Mercedes 23, Labo 22 at Jose Panganiban 14.

Sampung kaso naman ang naitala sa Talisay at may tig siyam sa Paracale at Vinzons, San Lorenzo Ruiz lima, tig- apat sa San Vicente at tatlo sa Capalonga.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang panawagan ng DOH na gawin ang mga kinakailangang hakbang para mapigilan ang lalo pang paglobo ng mga kso ng dengue.

Hinihimok ang lahat na gawin ang 4S strategy kontra dengue.

Ang 4’s ay Suyurin at sirain ang pinamumugaran ng mga lamok, sarili ay protektahan laban sa lamok sa pamamagitan ng paggamit ng long-sleeves o pantalon at insect repellant, sumangguni agad sa pinakamalapit na pagamutan kapag nakaramdam ng sintomas para hindi lumala ang sakit, at suportahan ang fogging para sa mga lugar na may pagtaas na kaso upang maiwasan ang outbreak.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ang Department of Education naman ay nababahala na rin sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng dengue sa probinsiya.

Dahil dito hinimok ni Schools Division Superintendent Nympha Guemo ang mga eskwelahan na gawin ang 4’o clock habit.

Dapat din umanong palakasin ang ugnayan sa PTA, LGU at MHO para sa iisang layuning mapigilan ang pagtaas ng mga kaso upang maiwasan ang pagkakasakit ng mga bata na magresulta sa pagliban ng mga ito sa klase.