Ordinansang magbibigay ng proteksyon at magtataguyod sa karapatan ng PWDs sa bayan ng Basud lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Sangguniang Bayan

CAMARINES NORTE- Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Sangguniang Bayan ang ordinansang magbibigay ng proteksyon at magtataguyod sa karapatan at benepisyo ng Persons with Disability (PWD) sa bayan ng Basud, Camarines Norte.

Sa ilalim ng Rights of Persons with Disability and Protection from public ridicule ordinance, nakapaloob ang karapatan ng PWD’s na makapagtrabaho nang hindi nadi- discriminate.

Isang porsiento ng lahat ng casual, emergency at contractual position sa Lokal na Pamahalaan ng Basud gayundin sa mga pribadong institusyon na nag ooperate sa naturang bayan ay dapat ilaan sa PWD.

Nakapaloob din sa article II ng naturang ordinansa ang karapatan ng PWD sa edukasyon, kalusugan, auxiliary social services, mobility at karapatang magtipon at  mag organize.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Mayroon ding 20 % discount ang PWDs sa mga serbisyo at pasilidad tulad ng hotel at kahalintulad na lodging establishments, restaurants and recreation centers, theaters, cinema houses, concert halls, circuses, carnivals at iba pang kahalintulad na lugar para sa paglilibang.

Dapat din silang bigyan ng discount sa pagbili ng gamot sa lahat ng botika, medical and dental services kasama na ang diagnostic and laboratory fee at iba pang kahalintulad na serbisyo subject sa guidelines ng Department of Health (DOH) at Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH).

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Bukod dito dapat ding bigyan ng discount ang PWD’s sa lahat ng pampublikong sasakyan.

Sa section 11 article IV naman ng ordinansa ay mayroong ibibigay na quarterly assistance sa bedridden na PWD nang kahit man lang P1, 500.00 na halaga ng food packs.

Ipinagbabawal din sa ordinansa ang pagsasalita ng masama at pamamahiya sa isang PWD verbal man o non- verbal.

Ang sinumang lalabag sa ordinansa ay papatawan ng multang mula P1,000.00 hanggang P2, 500.00 o anim  buwang pagkakakulong o pareho na nasa discretion na ng korte.