CAMARINES NORTE- Patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID- 19 sa bayan ng Basud, Camarines Norte at sa loob lang ng mahigit dalawang linggo ay umabot na ito ngayon sa 38.
Yan ay makaraang madagdagan ng 11 bagong kaso na kinabibilangan ng dalawang taong gulang na bata at isang kawani ng Bureau of Fire Protection hindi pa kasama ang apat na bagong kaso na iniulat ng Department of Health kahapon.
Karamihan sa mga bagong nagpositibo sa sakit ay pawang close contact ng naunang nagpositibo.
Batay sa case bulletin ng Lokal na Pamahalaan umaabot na ngayon sa kabuuang bilang na 279 ang kumpirmadong kaso ng sakit sa naturang bayan.
Naqdagdagan din ng isa ang bilang ng mga nasawi kaya umakyat na sa 18 ang COVID related deaths.
Nasa 223 naman ang bilang ng mga gumaling na sa sakit makaraang madagdagan ng tatlo kahapon.
Huling nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID- 19 sa naturang bayan noong September 2021 na mayroong 72.
Sa pagpasok ng buwan ng Enero ngayong taon nakapagtala agad ng 45 na bagong kaso ng sakit.
Sa 29 na barangay 13 dito ang mayroong aktibong kaso ng sakit kung saan pinakamarami sa Poblacion 2 na may 7.
Sinusundan ito ng Laniton at Mandazo na kapwa mayroong 5 kaso.
May tig- apat naman sa Matnog at Oliva, tatlo sa Tacad, dalawa sa Taisan, Bactas at San Felipe habang mayroongb tig isang aktibong kaso sa Caayunan, Guinatungan at Mampili.
