LEGAZPI CITY – Hindi na nakapalag ang babaeng estudyante matapos magpositibo sa buy bust operation ng ilegal na droga sa Purok-3B, Brgy. Kimantong ng Daraga, Albay.
Kinilala ang suspek na si Maria Eiko Josephina Bandol Torevillas alyas Kabayo, 24 anyos residente ng resident of Purok-7 F-Magallanes, lungsod ng Masbate.
Ayon sa report, nagsagawa ng anti-Illegal Drug Operation ang tauhan ng Daraga MPS kasabay ang PIT3 RIU5; at 502nd RMFB5 sa koordinasyon ng PDEA5, na kung saan nagpositibo ang suspek matapos bentahan nito ang nagpanggap na poseur buyer ng ilegal na droga sa halagang P4500.
Narekober sa kanya ang 4 na pirasong heat-sealed transparent plastic sachets na may laman na pinaniniwalaang shabu at pera na ginamit sa buy bust operation.
Sa ngayon si Torevillas ay hawak na Daraga mps para sa kaukulang disposisyon habang inihahanda na ang kasong isasampa na RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002