Opisyal ng gobyerno, pari, magsasaka at PWD, bibida sa isa sa pinakamatandang Passion Play sa Bicol

NAGA CITY – Pagbibidahan ng iba’t-ibang mukha at persona ng lipunan tulad ng opisyal ng lokal na gobierno, pari, magsasaka, kabataan, may kapansanan at marami pang iba ang isa sa pinakamatandang dula ng pagsasabuhay sa naging paglalakbay ni Jesus, ang Pasyon ni Kristo 2024 sa Calabanga, Camarines Sur.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Ayon kay Jerome Ordoñes, ang chairman ng nasabing pagtatangal, ang mga karakter na mangunguna ay may kanya-kanyang danas, at karanasan ng paghihimala ng pasyon. Sa paraang ito maikukuwento nilang muli ang nababasa lamang na istorya ng pasyon.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Sa ngayon, puspusan na ang paghahanda ng produksyon na binubuo ng nasa tatlong-daang cast at staff.

Isasagawa ang pagtatanghal sa kahabaan ng kalsada ng bayan ng Calabanga, ngayong darating na huwebes santo Marso veinte ocho hanggang linggo ng pagkabuhay Marso 31.