Operasyon ng peryahan sa Daet – sinuspinde na matapos ma-stuck ang mga sakay nito

Pansamantalang sinuspinde ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Daet dito sa lalawigan ng Camarines Norte ang operasyon ng Peryahan sa Barangay Lag-On ng nabanggit na bayan

Sa opisyal na pahayag na ipinalabas ng naturang LGU sa pamamagitan ni Mayor Benito B2K Ochoa, ito ay dahil sa insidenteng naganap kahapon bandang 8:00 ng gabi kung saan nagkaroon ng mechanical error ang ferris wheel ng peryahan

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Isang rescue operation ang agad na isinagawa sa na stock na ferris wheel na pinangunahan ng MDRRMO, BFP, Mount Labo Rescue Team at CANORECO kung saan ligtas na nasagip ang nasa 15 na tao na na-stuck sa nasabing ferris wheel

Read More:  Possible tawas, not shabu, found in Bacolod student’s bag, police say

Bunsod nito agad na ipinagutos ng naturang alklade ang operasyon ng mga rides nito.

Agad ding bumuo ang Alkalde ng isang Inspection Team at inatasan ito na magsagawa ng Safety Inspection sa mga rides ng nasabing Peryahan.
#