Naniniwala ang Local Vaccination Operations Center ng Olongapo na patapos na sa Pilipinas ang pananalasa ng coronavirus disease maging sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ito ay habang mas dumarami na ang mga nababakunahan kontra covid-19 na nagpapababa sa tiyansa nang severity o paglala ng epekto sa kalusugan kapag tumama sa isang indibidwal.
Ayon kay City Health Officer Dr.Doods Bustamante, ang lahat ng mga viruses ay may kanya-kanya life span at katulad ng covid-19 ay unti-unti ring mababawasan ang hawaan hanggang sa tuluyang mamatay dahil sa kawalan nang malilipatan.
Ang Olongapo ay may mahigit walumpong porsyento mula sa target na herd immunity ang bakunado na at tiyak na tataas pa saga susunod na araw.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO
