Kahalagahan ng pagdedeklara ng drug cleared Barangay ipinaliwanag ng PADAC

LEGAZPI CITY – Ipinaliwanag ng Provincial Anti Drug Abuse Council (PADAC) ang kahalagahan ng pagdedeklara ng isang barangay na drug cleared barangay o drug free upang mawala na o mahinto ang paggamit ng ilegal na droga sa kanilang barangay.

Ayon kay Joan Evasco, focal person ng PADAC sa Albay, epektibo ang ginagawang kampanya ng Phil National Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga barangay upang mailayo ang mga taong gumagamit ng ilegal na droga at makapagbagong buhay ang mga ito.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Kailangan lamang ng bawat Barangay sa rehiyon ay imonitor ang kanilang person who used drugs, masiguro na hindi na babalik sa kanilang gawain ng paggagamit ng ilegal na droga.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Nilinaw rin Evasco na hindi ibig sabihin na nabigyan ng parangal o sertipikasyon na drug cleared o drug free ang barangay ay tapos na ang kanilang gawain dahil maaari silang bawian kung ito ay pinabayaan ang mga programa at marami umano ang gumagamit ng ilegal na droga sa barangay sa gagawing revalidation ng PDEA.