Patuloy na ikinababahala ng Commission on Population (PopCom) ang pagtaas ng bilang ng mga kabataang nabubuntis.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon – sinabi ni Mylin Quiray, Acting Division chief ng Knowledge Management and Communications ng Commission on Population, na mula noong pandemya ng COVID-19 ay tumaas ang adolescence pregnancy hanggang sa 150,000.
Mula sa bilang – 22,000 ang kaso ng ‘repeated pregnancy’.
Ito ‘yung bilang ng mga buntis na makailang beses na nabuntis sa murang edad pa lamang.
Sabi ni Quiray, bagamat may factor ang pandemya, may salik din umano sa bilang na ito ang usaping kultural.
Sa kaugaliang Pilipino – ipinagkakasal, o pinagsaama sa iisang bahay ang mga nabuntis kahit na wala pa ito sa tamang edad, kaya nagkakaroon ng ganitong uri ng scenario.
Ang mga edad 13, 14, o 15 ang madalas daw nakararanas nito – at ang nakababahala pa raw, mga senior citizens pa ang nakabubuntis sa mga bata.
Dahil dito, umapela si Quiray na magkaroon ng proteksyon sa mga kabataan, lalo na sa repeated pregnancy, at isulong ang family planing.