Online appointment system schedule ng CSE-PPT ng CSC sinuspendi

SORSOGON CITY – Sinuspende ng Civil Service Commission (CSC)  ang paggamit ng online appointment system para sa aplikasyon ng Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT) na nakatakda sa June 19, 2022.

Ito’y matapos na makita sa mga pagsusuri  na sinubukan ng ilang indibidwal na samantalahin ang online appointment system sa pamamagitan ng pag-bypass sa mga pamamaraan.

Sa pahayag ng ahensya ang natukoy na problema ay kanila nang isinasaayos sa pamamagitan ng paglalagay ng mga karagdagang protective measures subalit matatagalan pa bago ito makumpleto kung kaya napagdesisyunang suspendihin muna ang paggamit nito.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Samantala, pinapayuhan naman ang lahat nang mga nakatanggap na ng valid code at appointment schedule na magpunta na lamang sa kanilang napiling CSC field Office sa kanilang napiling petsa.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Inanunsyo din ng Komisyon na naabot na ng probinsya ng Albay, sa pamamagitan ng online appointment ang nakalaang number slots kung kaya hindi na tatanggap ng walk-in applicants ang CSC Field Office-Albay, habang ang mga interesadong aplikante naman sa ibang mga lalawigan sa Rehiyon Bicol ay maaaring direktang makipag-ugnayan sa mga CSC FOs ngayong buwan ng Abril o hanggang sa mapunan ang mga inilaang slot.