One stop shop booth sa Matnog port posibleng itayo sa mismong checkpoint

SORSOGON CITY – Naniniwala si Philippine Ports Authority (PPA) Matnog Terminal Management Office Acting Division Manager Aquilles Galindez na pinaka estratehikong lugar upang paglagyan ng pinaplanong One Stop Shop booth ang harap mismo ng Task Force Tagabisay Checkpoint sa pantalan ng Matnog.

Hakbang upang maging mas mabilis ang proseso ng mga dokumento ng mga mananakay dahil sa iisang lugar na lamang mananatili ang mga biyahero.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Dagdag pa ni Galindez na mas mabuti na sa nasabing lugar ito ilagay lalo pa at magkakaroon ng mga collection booth para sa ticket ng mga sasakyan at biyahero.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Sa ganitong paraan, higit  na masisiguro ang kaayusan dahil mayroong mga uniformed personnel na titingin sa ticketing booth.  

Malaking bagay umano ito upang maiwasan ang mga fixers.