Mabilis na tinupok ng apoy ang isang bahay sa aplaya barangay Iraan Rizal, Palawan kanina dakong 12:15 ng madaling araw January 25, 2022.
Ayon sa mga residente na nakasaksi sa pangyayari malakas umano ang ihip ng hangin kaya mabilis ang pagkalat ng apoy lalo’t gawa pa sa light materials ang naturang bahay.
Ang bahay ay pagmamay-ari ng pamilyang Talungag kung saan ay ang kanilang tatlong anak lamang ang kanilang nailigtas na nagtamo ng paso sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Ubos din ang kanilang kagamitan kaya walang naisalba.
Agad na nagresponde ang Rescue 165 sa lugar para maapula ang insidente.