Bakunahan sa ilang barangay sa Mercedes hindi tuloy ngayong linggo, pagbabakuna naman sa Mercedes Evacuation center muling aarangkada

CAMARINES NORTE- Muling aarangkada ang bakunahan sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte simula ngayong araw, Enero 4 hanggang 6 batay sa anunsiyo ng Municipal Health Office.

Ito ang unang pag arangkada ng bakunahan  kontra COVID- 19 ngayong taon sa layuning mas marami ang maging protektado lalo na ngayong mayroong banta ng Omicron variant.

Ang bakunahan ay para sa first at second dose kasama na rin ang booster shot.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ang mga babakunahan ang ay 12- 17 anyos na kabilang sa pediatric population gayundin ang 18 anyos pataas, mga naka schedule ng second dose at yaung lagpas na sa kanilang schedule.

Kasama ring babakunahan ang mga nakatanggap na ng second dose na may higit tatlong buwan na ang nakalipas para sa booster shot.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Nagpaalala naman ang MHO sa mga magpapabakuna na agahan ang pagpunta sa pila sa vaccination site at huwag maniwala sa mga tsismis tungkol sa bakuna.

Samantala, hindi naman tuloy ang bakunahan sa Barangay Pambuhan, Colasi, at Cayucyucan ngayong January 4 hanggang January 6.