One Hospital Command Center ng So.Cot, muling binuksan

KORONADAL CITY- OPERATIONAL na muli ang One Hospital Command (OHC) Center for COVID 19 Response ng South Cotabato.

Sa advisory ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO, up and running na simula noong nakaraang linggo ang One Hospital Command Center na makikita sa PDRRMO Emergency Operations Center.

Read More:  Kabankalan to host first-ever night run, half marathon on July 26

Kaugnay nito, hinihikayat ang mga COVID 19 patients lalo na yaong mga may malalang sintomas na makipag-ugnayan sa mga hotline numbers na (083) 228-8361, 09198292106 at 09054866285.

Read More:  Kanlaon erupts for three minutes, ashfall hits Canlaon city and nearby areas in Negros

Ang OHC ang magsasaayos sa comprehensive at coordinated response sa pandemic, at pagpick-up at pagbiyahe sa mga pasyente na kailangang dalhin sa mga ospital.

Magbibigay din ito ng health system capacity data analystics at risk communications.