Antigen testing para sa mga Bar examinees, isasagawa ng QC LGU

Magsasagawa ang Quezon City government ng COVID-19 antigen testing para sa mga Bar examinees, personnel at volunteers para maiwasang maging superspreader event ang dalawang araw na pagsusuri.

Sa isang pahayag sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na sasaklawin ng antigen testing ang 756 examinees at 350 personnel na nasa University of the Philippines-Diliman, isa sa mga testing center para sa Bar examination.

Read More:  Coup rumors denied! Senate President alan cayetano says majority bloc remains solid

Nakipag-ugnayan na ang mga lokal na opisyal sa Korte Suprema at mga administrador ng UP tungkol sa antigen testing.

Ang SC ang magbibigay ng test kits habang ang mga health personnel ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit ang magsasagawa ng pagsusuri.

Read More:  Robin Padilla denies ‘helping Bato escape’ after Senate CCTV release

Nakatakda naman magtayo ang QC Disaster Risk Reduction and Management Office at Quezon City Fire District ng mga tent sa UP Diliman campus para sa anumang emergency, habang ang QC Task Force for Transport and Traffic Management ay magsisiguro ng maayos na daloy ng trapiko sa paligid ng unibersidad.