KORONADAL CITY- ISINAILALIM sa water quality analysis ang tubig sa Provincial Freshwater Multi-Species Hatchery and Fish Pond ng South Cotabato na makikita sa Provincial Nursery and Demofarm sa bayan ng Banga.
Ang pagsusuri sa kalidad ng tubig ay pinangunahan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR.
Layunin nito na suriin at i-monitor ang water level, dissolved oxygen, pH level, temperatura, total ammonia, alkalinity at agos ng tubig sa naturang pasilidad.
Ang kalidad ng tubig ay mahalaga sa pagpaparami ng produksyon ng isda.
Ang Provincial Freshwater Multi-Species Hatchery project na nagkakahalaga ng P 1.5 million ay ipinagkaloob sa lalawigan ng BFAR.
Ito ay magsisilbing learning site para sa mga mangingisda at production area ng mga quality hito at tilapia fingerlings at iba pang species para sa dispersal program ng OPAg.
