Oktubre pa rin ang deadline para sa pagdinig ng Cha-cha – Senado

Nilinaw ni Senate Subcommittee on Resolution of Both Houses No. 6, Chairperson, Senador Sonny Angara na mananatili pa rin ang kanilang deadline sa Charter Change (Cha Cha) sa Oktubre.

Read More:  ICC seeks additional protection for 55 witnesses in Duterte trial

Ito ay sa kabila ng naging pahayag ng Kongreso na gagawin nila ang kanilang pagdinig sa Cha Cha ng tatlong beses sa isang linggo upang matapos ito bago mag-Holy week.

Ayon kay Angara, mabuti kung maisasabay ang plebisito sa darating na 2025 election nang sa gayon ay makatipid ang publiko.

Read More:  P1.36 billion shabu shipment from Laos seized at Manila port

Maliban pa roon, kailangan din umanong makapaglaan ng 60 hanggang 90 araw para rito.