Pilipinas at Hawaii, malaki ang potensyal sa economic at trade ties – PBBM

Naniniwala si Pangulong Bongbong Marcos na malaki ang potensyal ng Pilipinas at Hawaii sa usapin ng pagpapalakas ng ekonomiya at kalakalan.

Sinabi ito ng Pangulo matapos mag courtesy call sa Palasyo ng Malacañang kaninang hapon ang mga myembro ng Filipino Chamber of Commerce Honolulu at Honolulu City Council Trade Mission.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Sa kanyang mensahe, sinabi ng Presidente na maraming pagkakatulad na pangangailangan ang Pilipinas at Hawaii.

Ibinida rin ng Pangulo na puspusan ang ginagawa ng pamahalaan para maging madali ang pamumuhunan ng mga foreign investor.

Dahil naniniwala anya syang ang tanging paraan para umusad ang ekonomiya ng isang bansa ay sa pamamagitan ng pakikipag kalakalan.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Sa huli, muling binigyang diin ng Pangulo na may espesyal na lugar sa kanyang puso ang mga taga Hawaii, dahil anya sa kabutihang ipinakita sa kanilang pamilya noon.

Tinawag pa nito ang kanyang sarili na number one supporter nila dito sa Pilipinas.