Universal vaccine, maaring makatulong vs multiple COVID variants

Bubuo umano ang mga seyentipiko ng “pan-coronavirus” vaccine — na makakapagbigay ng proteksyon laban sa multiple variants ng coronavirus, na nagdudulot ng COVID-19.

Pero ayon kay Dr. Anthony Fauci, director ng National Institute of Allergy and Infectious Diseases, na ang naturang bakuna ay posibleng matagalan pa bago mabuo.

Read More:  ‘Star Trek’ and ‘X-Men’ actor Patrick Stewart dies at 86

Ang coronaviruses na nakahawa sa tao ay unang nadetect noong mid-1960s, at mayroong pitong kilalang human coronaviruses, na kinabibilangan ng apat na nagdudulot ng common colds; Middle East respiratory syndrome, o MERS; severe acute respiratory syndrome, o SARS; at SARS-CoV-2, ang coronavirus na nagdudulot ng COVID-19.

Read More:  Rescuers continue search for more victims after deadly high-speed train collision in Spain

Pero simula noong September 2020, may lima nang SARS-CoV-2 variants of concern na natukoy na kinabibilangan ng Alpha, Beta, Gamma, Delta, at ngayon naman ay Omicron.

Dahil dito, binigyang diin ni Fauci na talagang kailangan ang innovative approaches, para maibigay ang broad at durable protection laban sa coronaviruses na kilala na at ilang hindi pa nakikila sa ngayon. //MHEL PACIA-TRINIDAD