Posibleng abotin pa ng ilang buwan bago mararamdaman ang bagbabago sa taas presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay Director Rino Abad ng DOE-Oil Industry Management Bureau, tinatayang 1.8 million barrel ang naubos nitong nakaraang taon at kinakailangang mapunan ang kakulangang ito na maaring abotin pa ng buwan ng Mayo hanggang Hunyo bago unti-unting mararamdaman kung magkakaroon ng pagbabago o mananatili pa rin tataas ang petroleum products sa international market.
Ilan sa nakikitang dahilan ng patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo , ang kakulangan ng supplay at may epekto rin ang nangyayaring insidente ng sigalot ngayon sa bansang Russia at Ukraine.
Ang bansang Russia umano ang isa sa mga malalaking pinagkukunan ng langis.
Dagdag pa ni Director Abad, mataas masyado ang presyo ng gasoline sa lalawigan ng Palawan na hanggang ngayon ay hindi pa rin maipaliwanag ng maayos ng mga ioil company ang dahilan ng sobrang taas ng patong sa presyo nito.
Samantala, mayroong 9 oil depot ang lalawigan kaya walang problema pagdating sa pagdadala ng mga produktong petrolyo.
Hinimok nito na ang mga nasa LGU na maaring gawan ng paraan sa pamamagitan ng pagpapatawag sa mga oil company at pakiusapan sa nasabing usapin gaya ng nangayri noon sa Baguio City.
Hindi kasi maaring makontrol ng gobyerno ang mga kompanya ng langis dahil sa umiiral na oil deregulation law sa bansa.