Love triangle, ugat ng pagpatay sa isang lalaki sa Puerto Princesa

Patay ang isang lalaki matapos na tagain at saksakin sa Solid Road Bgy. San Manuel Puerto Princesa City kahapon, February 17, 2022.

Agad na inamin ng suspek na si Dindo Badilla, taga- Aborlan Palawan –ang pagpatay sa biktimang si Demar Gapilango 24 anyos itinuro niyang “kalaguyo” ng kanyang live-in partner.

Read More:  Two fishermen rescued after boat carrying sacks of cement capsizes

Ayon kay Dindo, matagal niya nang sinubaybayan ang biktima at kahapon ay nakita niya itong kasama ng kanyang live-in partner na si Ronalyn Nangcod.

Sakay ng motorsiklo ay binangga ng suspek ang motorsiklo ng biktima habang angkas si Ronalyn at nang matumba ay doon niya na tinaga at sinaksak sa katawan si Demar hanggang sa mamatay.

Read More:  PDEA shuts down suspected drug den in Davao de Oro

Ipinagdiinan ni Dindo na hindi niya pinagsisihan ang ginawa sa biktima.

Samantala, handa daw niyang pagdusahan ang nagawang krimen.