NAGA CITY – Kinumpirma ng isang OFW na nagta-trabaho sa Hongkong na taga Camarines Sur na patuloy na nanganganib ang kailang kalusugan dahil sa COVID-19 outbreak na nangyayari doon dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso araw-araw.
Marami na ring mga Pinoy workers ang nasa isolation at ang iba ay nasa ospital na dahil sa virus.
Ang mga ito ay karamihan nahahawaan lamang ng kani-kanilang mga employers na hindi bakunado, kaya nagkasakit ang buong pamilya, damay na rin ang mga kasambahay na Pinoy.
Ito ang ibinahaging kuwento sa Brigada News FM Naga ni Leonila ,nagta-trabaho bilang kasambahay sa HongKong na taga Sipocot Camarines Sur. Naka house lockdown sila dahil sa ang pamilyang pinagsisilbihan niya ay lahat may sintomas ng virus.
Hindi raw kasi bakunado ang mga ito dahil sa hindi naman naniniwala sa virus at sa bakuna.
Nabangit niya na masuwerte siya dahil bakunado siya kaya kahit na may mga sakit ang pamilyang pinagsisilbihan niya ay hindi siya nahahawaan.
Karamihan sa mga OFWs doon na nag positibo sa virus ay hindi pa bakunado.
Sa ngayon, maghihipit na ang gobyerno ng Hongkong sa pagpatupad ng pagbabakuna para mailigtas ang kanilang mamamayan at mga nagtatrabaho sa nasabing bansa.