NAGA CITY- 2% na lamang ng 210, 00 katao ang kinakailangan mabakunahan laban sa COVID-19 sa Naga City upang maabot ang 70% herd immunity sa buong populasyon. 140,000 sana unang target population sa total population.
Ito ang nakikitang isa sa mga rason kung bakit mababa na ang bilang ng mga tinatamaan ng nabanggit na virus sa lungsod.
Mula sa 118 7-day average positive cases noong Enero ngayon at 5 na lamang . Sa positivity rate mula sa 63% noong mid- January ngayon ay 11% na lamang. Napapanatili ang negative territory sa two-week growth rate.
Dahil dito, inaasahan ng Analytics Team na sa Marso ay isasailalim na sa Alert Level 1 o ang pinakababang quarantine classification ng IATF. Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Willy Prilles ng Analytics Team, sinabi nitong kung patuloy na walang maitatalang COVID-cases ang Naga katulad nitong mga nagdaang araw makakaalis na sa Alert Level 2.