Offshore accounts na sinasabing pagmamay-ari umano ni COMELEC Chair Garcia – ‘peke’ umano ayon sa poll body chief

Muling dinepensahan ni Commission on Elections (COMELEC) Chair George Garcia ang kanyang sarili kasunod ng mga dokumento at accounts na inilatag ni Cong. Rodante Marcoleta kahapon laban sa kanya.

Ayon kay Garcia, peke ang lahat ng ito.

Read More:  NSC reaffirms Batanes as an integral part of the Philippines

Aniya, ang ipinakitang account kahapon ni Marcoleta ay bago, at hindi kasama sa unang sinasabing 49 offshore accounts nito.

Ibig sabihin umano nito – kabubukas lang ng naturang account.

Read More:  Rep. Pulong calls for fair impeachment trial of VP Sara

Kaugnay nito, lumalabas aniya na ang nagbukas ng account ay hindi isang supporter, kung ‘di isang PR firm na naka-base sa Miami Florida.

Ani Garcia, pinalalabas nito na siya ang nag-open ng account sa Amerika, at siya rin ay taga-Amerika.