Atty. Mans Carpio – tinawag na ‘kakila-kilabot’ ang mga akusasyon ni Trillanes laban sa kanila

Tinawag na ‘apalling’, ‘o kakila-kilabot ni Atty. Mans Carpio ang mga alegasyon ni dating senador Antonio Trillanes laban sa kaniya, at kay Davao Rep. Pulong Duterte.

Kung maaalala kasi – kinasuhan ni Trillanes sa DOJ ang tinatawag niyang ‘Davao Group’ dahil sa umano’y koneksyon nila sa iligal na droga.

Read More:  More than 1,100 PNP personnel face penalties amid internal cleansing drive

Sa isang pahayag, sinabi ni Carpio na ‘apalling’ kung bakit binubuhay muli ni Trillanes ang mga akusasyon laban sa kanila.

Malinaw na raw naman kasi sa naging pagidnig noon sa Senado na wala talagang dahilan para idiin sila at i-connect sa droga.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Aniya, malinaw daw ang intensyon ni Trillanes para ma-boost ang kaniyang political stock kahit na mga inosenteng tao na raw ang nadadamay.

Bago ito, sinabi na rin ni Cong. Pulong na wine-welcome niya ang kaso ni Trillanes lalo na’t paraan daw ito para madepensahan ang kaniyang sarili.