NAGA CITY – Maberde lamang tingnan sa mga Upper Barangay sa lungsod ng Naga, ngunit ang totoo kulang na ang mga punong kahoy.
Ito ang nakuhang impormasyon kay Alex San Jose, Officer In Charge – Chief Watershed Management Division ng Naga City Environment and Natural Resources, kung saan pagtatanim pa rin ng mga puno ang ultimatom na solusyon kontra baha, bagamat minsan ang problema nasa mga drainage canals na. Kulang na ang taga-sipsip ng tubig sa taas kaya madali na rin ang pagbabaha sa baba.
Kinall-out na rin ng opisyal ang publiko na dapat nang mas magtanim pa ng mga puno, dahil hindi lahat ng nakatanim ay nakakatulong sa pagkontrol ng baha, mula aniya sa taas hanggang pababa, lalo na mejo mahirap na rin magtanim sa kasentruhan dahil sa mga development.
Dagdag pa ng opisyal malaki rin ang tulong ng kanilang Forest In Our Midst Program, na nakakapadagdag ng puno at mas dapat na palakasin. Sa parte naman ng Mt. Isarog, sa mga protected areas, sapat pa ang mga punong kahoy.