October 30, idineklara ni PBBM bilang National Day of Charity

Naglabas ng deklarasyon ang Palasyo ng Malacañang na nagdedeklara sa October 30 bilang National Day of Charity.

Ang proclamation number 598 ay bahagi ng pangako ng administrasyong Marcos na itaguyod at paunlarin ang buhay ng bawat Pilipino sa ilalim ng Bagong Pilipinas.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang proklamasyon nitong June 13.

Sa ilalim ng proklamasyon, inatasan ni Pangulong Marcos ang Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO na manguna, mag-coordinate, at mag-supervise sa pagdiriwang ng “National Day of Charity,” at tukuyin ang mga programa, aktibidad, at proyekto para sa selebrasyon.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Inaatasan naman ang lahat ng government agencies and instrumentalities, kasama ang mga government-owned or -controlled corporations, financial institutions at state universities and colleges na suportahan ang National Day of Charity.

Gayundin ang lahat ng mga Local Government Unit, non-government organization at ang private sector.