LoveLaban2Everyone Pride Festival 2024 sa QC, umarangkada na

Nagpapatuloy ang kasiyahan para sa Love Laban 2 Everyone Pride Festival 2024 kung saan sama-samang nakiisa ang mga miyembro ng LGBTQIA+ Community sa Quezon Memorial Circle.

Proud na proud nilang ibinandera ang kanilang makukulay na pride flags bilang bahagi ng gender expression.

Daan-daang booths naman mula sa sponsors at merchants ang inihanda ng QC Government at Pride PH para sa mga pupunta.

Mayroon ding iba’t ibang pagkain sa Pride Expo at Pop QC sa QMC.

Isang bonggang drag performance ang hatid sa attendees para opisyal na buksan ang Pride Festival.

Bago ito, umabot sa 394 ang nakiisa sa Graduation Rights Ceremony na ginanap sa QCX Museum ngayong araw.

Ito ay espesyal na araw para sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community dahil nabigyan sila ng pagkakataon na magbihis at mag-ayos ng naaayon sa kanilang kagustuhan.

Bukas sa publiko ang Pride Celebration sa QMC na magtatagal hanggang mamayang gabi.