OCTA, tinukoy ang Davao, Baguio at 2 pang siyudad bilang areas of concern

Tinukoy ng OCTA Research group ang mga siyudad ng Davao, Iloilo, Baguio, at San Fernando sa La Union bilang areas of concern dahil sa tumataas na bilang ng COVID-19 cases at mataas na hospital bed ocupancy rates.

Sa kanilang huling monitoring reports, sinabi ng independent team ng experts na ang mga bagong cases ay nagpatuloy na tumaas sa Davao City na syang mayroong pinakamataas na daily average sa bansa at reproduction number na 1.41.

Ang reproduction number na 1 o mas mataas pa ay nangangahulugan ng sustained COVID-19 transmission.

Sa Davao City, mayroong 324 average new cases daily mula June 25 hanggang July 1, 43 percent na mas mataas mula ng nakaraang linggo , habang 66 percent ng mga hospital beds at 89 percent ng intensive care unit (ICU) beds ay ginagamit.

Sinabi rin ng grupo na may pagtaas ng COVID-19 cases sa Iloilo matapos ang period ng pagbaba, habang 78 perccent ng hospital beds at 94 percent ng ICU beds ay okupado.

Sa Baguio City, tumaas ng 30 percent ang COVID-19 cases sa nakalipas na linggo habang 82 percent ng hospital beds at 77 percent ng ICU beds ay ginagamit sa ngayon.

Dagdag ng OCTA, nagkaroon ng pagsipa ng infections sa San Fernando City sa La Uion na 148 percent na mas mataas kesa sa nagdaang linggo kung saan 67 percet ng hospital beds at 78 percent ng ICU beds ang okupado.

Mababatid na isinailalim ang mga lungsod ng Iloilo at Davao sa mas mahigpit na modified enhanced community quarantine hanggang kalagitnaan ng July.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *