Positibo ang OCTA Research Group na makakapagbakuna ang Pilipinas ng 90 percent ng mga senior citizens hanggang sa katapusan ng Hulyo o Agusto.
Nabatid na mula sa 8.2 million senior citizens sa master list ng gobyerno, lumalabas sa bagong datos na 2.6 million senior citizens na ang nakakakuha ng first dose habang mahigit 915,000 na ang fully vaccinated.
Ayon sa OCTA, malaking tulong ito dahil kung mapoprotektahan ang mga senior citizens, bababa ang case fatality rate, dahil ang mga seniors umano ang medyo may mataas na namamatay dahil sa COVID-19.
Mababatid na ang bansa ay nakapagbakuna na ng mahigit 13 million jabs, kung saan 3.5 million indibidwal na ang fully vaccinated laban sa COVID-19. // MHEL PACIA-TRINIDAD