Iminungkahi ng mga eksperto na ipanatili ang Metro Manila sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) para sa buong Hulyo, lalo na umanong may banta ng mas nakakahawang Delta variant.
Ayon kay OCTA research fellow Dr. Ranjit Rye, na bagama’t niluwagan na ang mga business establishments, kailangang manatili ang mahigpit na health protocols sa National Capital Region (NCR) para ma-sustain ang development ng mga infections habang sinasabayan ng pag-increase sa vaccination.
Para kay Rye, hindi pa handa ang NCR na maisalalim sa modified GCQ (MGCQ), dahil kailangan pa ng gobyerno na paigtingin ang monitoring at enforcement ng minimum public health standards, lalo’t marami na umano ang nagkukumpiyansa, at nagpapabaya.
Samantala, inaasahang iaanunsyo ng gobyerno ang bagong quarantine classifications para sa buong Hulyo sa susunod na mga araw. // MHEL PACIA-TRINIDAD