COMELEC: Walang ‘outright’ ban sa mass gatherings sa campaign season, pero…

Inamin ng Commission on Elections na hindi agad lubusang mai-baban ang mass gatherings sa campaign season, pero gagawin umano ito ng kakaiba taliwas sa nakasanayan dahil sa umiiral na banta ng coronavirus.

Ayon kay COMELEC spokesperson James Jimenez, mas magiging maliit, mas mahigpit na kontrolado, at ang in-rally behaviors ay magiging kakaiba.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Isang halimbawa aniya ay kailangan kumuha muna ang political candidates ng state venue capacities bago magsagawa ng event, upang maipatupad ang bilang ng mga dadalo.

Kaugnay nito, target rin ng poll body na magpatupad ng restrictions sa pagbibigay ng permits.

Read More:  NBI witness fails to identify alleged hitman in VP Sara trial

Maliban dito, bawal munang makipagkamay sa mga tao ang kandidato at humalik sa mga bata na kadalasa’y ginagawa ng mga pulitiko.

Hindi na rin pwedeng mamahagi ng pagkain sa oras ng campaign gatherings bilang karagdagang preventive health measure.// MHEL PACIA-TRINIDAD