Sang-ayon ang OCTA Research na maaari nang itigil ang mga pandemic-related na ayuda dahil hindi naman na nagla-lockdown sa bansa.
Sa kabila nito, nilinaw ni OCTA fellow Dr. Guido David na batid nilang marami pa rin ang nangangailangan ng tulong kaya discretion na ng gobyerno kung magbibigay pa sila at kung sino ang bibigyan sa gitna ng mataas na inflation.
Sinabi ni David na ang mahalaga ngayon ay ang pagbubukas pa lalo ng ekonomiya.
Samantala, kinumpirma ni David na hindi naman tumataas ang mga severe cases bagamat nananatili ang mga infections.
Ayon kay David, totoong mayroong mga areas na tumataas ang kaso pero mayroon ding mga areas na hindi.
Aminado din si David na inaasahan niyang hindi matutulad ang Pilipinas sa ibang mga bansa na tumataas ang mga kaso dahil na rin sa paglamig ng panahon pero posible aniyang maramdaman ang epekto ng papalamig na panahon sa Baguio city
Mabuti na lang aniya at bahagya mang tumaas ang kaso, hindi naman masyadong tumaas ang hospitalization rate(LEO NAVARRO-MALICDEM)
#