OCTA: NCR Plus 8 posibleng ma-contain ang COVID-19 sa October, kung…

Nakikita ng OCTA Research Group na posibleng makontrol sa NCR Plus 8 ang pagkalat ng COVID-19 sa Oktubre, kung ang vaccination rate ay aabot sa 250,000 doses bawat araw.

Paliwanag ni OCTA Research fellow at molecular biologist Fr. Nicanor Austriaco, ang containment ay maaring makamit kung 40 hanggang 50 percent ng populasyon sa area ay mababakunahan laban sa COVID-19.

Read More:  Construction begins on rental housing for families affected by NSCR Extension Project

Ayon kay Austriaco, ito ay magreresulta sa attack rate na mababa sa isa sa bawat 100,000 na populasyon.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Giit nito, ito naman umano ay iba mula sa tinatawag na herd immunity, na maaring maabot kung 70 hanggang 80 percent ng populasyon ay mababakunahan, na magreresulta sa attack rate na halos zero. // MHEL PACIA