Higit 1M sa 1.5M soon-to-expire AstraZeneca vax, naibakuna na

Nasa 497,000 AstraZeneca vaccines nalang ang kailangang gamitin bilang first dose, bago ito abutan ng expiration sa June 30.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, ang mahigit isang milyon kasi mula sa 1.5 million AstraZeneca doses na mag-eexpire sa susunod na buwan ay naiturok na bilang first dose.

Read More:  NBI Chief Matibag says arrest of Sen. Bato Dela Rosa could be near

Kaugnay nito, kampante ang Department of Health na bago o sa katapusan ng Hunyo ay maibabakuna ang natitirang bilang.

Samantala, ang 500,000 doses na mag-eexpire sa Hulyo ay ginagamit na ngayon bilang second dose para sa mga nakatanggap ng kanilang first AstraZeneca shot noong Marso.

Read More:  MNLF denies protecting Senator Bato dela Rosa

Mababatid na ang interval sa pagitan ng inoculations ay nasa 12 linggo.

Ang 2,030,400 doses na malapit nang mag-expire ay mula sa donasyon ng global initiative na COVAX, na natanggap ng Pilipinas nito lang buwan. // MHEL PACIA