OCTA – COVID-19 trend sa Mindanao, nag-improved; W.Visayas nananatiling ‘serious concern’

Nakikita ng independent research group OCTA ang improvement sa sitwasyon ng coronavirus sa Mindanao, pero naalarma kaugnay naman sa sitwasyon sa Western Visayas.

Ayon kay OCTA Fellow Guido David, bagama’t ikinokonsidera ang Davao City bilang “center” ng COVID-19 pandemic sa Mindanao, napapansin naman umano ng grupo ang pagbagal ng trend sa buong lugar.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Una nang sinabi ni David na naungusan na ng Davao City ang Quezon City pagdating sa may mataas na bagong kaso na naitatala araw-araw.

Sa kabila nito, inilarawan naman ni David ang sitwasyon sa Western Visayas, bilang “serious concern,” dahil hindi lang tumataas ang mga kaso, mataas na rin ang healthcare utilization.

Read More:  Ateneo Law Student Council expresses disappointment over Cayetano

Inihalimbawa nito ang average daily attack rate sa Iloilo City sa 26, habang ang ICU utilization rate ay halos 100% na. // MHEL PACIA-TRINIDAD