Habagat, monsoon trough, magpapaulan parin sa PH — Pagasa

Asahan na magdadala ng ulan ang southwest monsoon o habagat, kasama ang monsoon trough sa malaking bahagi ng Pilipinas.

Ayon sa Pagasa, batay sa kanilang satellite images naobserbahan ang makapal na ulap na na pumapasok mula sa West Philippine Sea papunta sa Luzon at Visayas’ western provinces, maging sa southeast ng Mindanao.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Dahil sa naturang weather systems, ang mga lugar sa Palawan, Mindoro provinces, Zambales, at Bataan ay makakaranas ng maulap na kalangitan at may tsansa ng katamtaman hanggang sa malakas na ulan.

Ang thunderstorm activity naman ang iiral sa ibang bahagi ng Luzon at Metro Manila.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Nagbabala rin ang Pagasa na iiral ang severe thunderstorms sa Visayas at Mindanao, sa gitna na ang monsoon trough — o bahagi ng intertropical convergence zone (ITCZ) ay konektado sa umiiral na monsoon system — na nagdadala ng makapal na cloud bands sa naturang mga rehiyon. // MHEL PACIA-TRINIDAD